UST student panibagong biktima ng Hazing
Bakit wala pa kayang nadadala sa hazing?
Alam naman nga lahat na ang hazing ay isang pamoso ngunit delikadong proseso sa pagsali sa mga fraternity ngunit bakit walang kadala dala ng mga sumasali dito?
September 18, 2017 napabalita ang isang UST first year law student na si Horacio Castillo III, 22 anyos ay hinihinalang namatay sa hazing. Lumalabas sa imbestigasyon na Linggo pa ng umaga nahanap ang katawan nito na nakasilid sa isang bag na nakita sa bangketa sa Balut, Tondo.
Naghihinagpis sa galit ang mga magulang ni Horacio. "Sana naman ma-konsensya sila. He was only 22 years old, he was robbed of his future. Sana lumabas na sila. Tell everything, tell the truth" sabi ng ama ng biktima.
Nakakapagtaka lang kung bakit sa kabila ng mga nakaraang kaso ng hazing ay hindi pa din madala dala ng sumasali dito. Hindi ko mawari kung ano ang ipinapangako sa mga sumasali dito. Kadalasan ay iisa lamang ang kinauuwian ng mga sumasali at ito ay kamatayan. Siguro ay wala tayo sa puwesto para kuwestiyunin ang mga dahilan kung bakit sila sumasali dahil hindi naman natin alam kung ano ano ang inaalok sa mga sumasali sa mga frataernity ngunit bakit kung sino pa ang naturingan na nag aaral ng batas ay siya pang nagpapa biktima. Sana ito ay magsilbing aral na wala naman talagang maidudulot ang pagsali sa fraternity. Nakakalungkot na isa na namang pangarap ang nasira ng pagsali sa fraternity, isa na namang magulang ang nawalan ng anak.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento